2 barangay chairman, itinumba
August 31, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang dalawang brgy. chairman habang grabeng nasugatan ang isang bodyguard sa magkahiwalay na insidente sa Ilocos Norte at Sultan Kudarat kamakalawa.
Batay sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang paslangin ang biktimang si Barangay Captain Aurelio Raguirag, matapos harangin ng mga rebelde sa Sitio Mamungar, Barangay Paguludan-Salindeg, Currimao, Ilocos Norte.
Nabatid na ang biktima ay kasalukuyang naglalakad sa nasabing lugar nang pagbabarilin ng mga rebeldeng komunista na agad ring nagsitakas nang maisagawa ang krimen.
Bandang alas-5 naman ng hapon nang tambangan ng mga rebelde si Barangay Chairman Ibrahim Tamles, 53, ng Barangay Sugod, Columbio, Sultan Kudarat sa loob ng Social Hall ng Barangay Sinampulan sa bayang nabanggit.
Sa nasabing pag-atake ay grabe ring nasugatan ang bodyguard ni Tamles na si Jerry Mariano, 34 ng Barangay Sugod.
Lumilitaw sa imbestigasyon na katatapos lamang ng coronation program sa nasabing lugar nang biglang puntiryahin ng apat na rebelde ang biktima na kasalukuyang nanonood sa nasabing okasyon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest