^

Probinsiya

Ex-employee ng DFA, itinumba

-
CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 60-anyos na lola na dating empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagbabantay sa kanyang tindahan sa Barangay Gregorio De Jesus sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa kanang balikat ng dalawang tama ng bala ng baril ang biktimang si Clarita Tolentino ng Block 12-B, Sapalaran ng nabanggit na barangay.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni PO3 Celestino San Jose, bandang alas-7:30 ng gabi nang biglang may huminto sa harap ng tindahan ng biktima kung saan nagbabantay ang matanda.

Dalawang putok ng baril ang umalingawngaw at dugunang bumulagta ang biktima sa loob ng tindahan na malapit sa kanilang bahay.

Sa salaysay ni Juan Tolentino, asawa ni Clarita, tatlong araw bago maganap ang pamamaslang ay nakiusap ang biktima na lumipat na sila sa ibang lugar dahil sa mga pagbabanta sa buhay na kanyang natatanggap.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nakaaway ng biktima ang anak-anakang babae ng may-ari ng bahay na tinitirhan ng mag-asawang Tolentino.

Masusing sinisilip ng mga tauhan ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa dahil sa napaulat na may dating record sa barangay ang biktima na pinaniniwalaang nangangamkam ng lupa. (Ulat nina Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)

BARANGAY GREGORIO DE JESUS

BIKTIMA

CAVITE

CELESTINO SAN JOSE

CLARITA TOLENTINO

CRISTINA TIMBANG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GENERAL MARIANO ALVAREZ

JUAN TOLENTINO

LOLIT YAMSUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with