Pulis vs adik: 2 patay
August 30, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Patay ang isang tauhan ng pulisya habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa nitong kasamahan makaraang makasagupa ang isang lalaking bangag sa droga na kanila ring napatay sa Nivel Hills Lahug, Cebu City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si PO2 Armand Juegos bunsod ng tinamong tama ng bala mula sa kanyang sariling baril na inagaw ng suspek at ipinutok sa sentido ng biktima.
Nasa kritikal na kondisyon sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) ang kasamahan nitong si PO2 Oliver Jamboy sanhi ng tama ng bala sa leeg matapos na makipagbarilan sa suspek na si Prudencio Borres 42, vegetable vendor, na namatay din sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.
Nabatid na dakong alas-11 ng gabi nang rumesponde ang dalawang pulis na kapwa nakatalaga sa Cebu PNP Crime Suppression Unit sa Nivel Hills, Lahug, Cebu City matapos na makatanggap ng tawag sa telepono mula sa asawa ni Borres na si Teodula, 41, dahil sa ginagawang panggugulo sa loob ng kanilang bahay.
Nais umano ng asawa ni Borres na ipakulong ito sa Mental Hospital dahil ilang araw na silang pinagbabantaang papatayin ng tatlo nilang anak bunga ng pagkasugapa sa droga.
Agad na pinalibutan ng dalawang pulis ang tahanan ng mag-asawa at ilang saglit pa ay pinasok ni Juegos ang suspek, subalit pinukpok siya nito sa ulo ng dos por dos.
Matapos ito ay inagaw ng suspek ang baril ng pulis at sabay ipinutok sa kanan nitong sentido.
Nang marinig ni Jamboy ang alingawngaw ng putok ng baril ay mabilis ding sumugod papasok ng bahay at nakapalitan ng putok ang suspek na bumulagta sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest