Shootout: Pulis todas, 6 suspek tiklo
August 24, 2005 | 12:00am
CAGAYAN Isang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na makipagbarilan ang dalawang notoryus na kriminal habang isinisilbi ang warrant of arrest sa bayang ng Enrile, Cagayan, kamakalawa ng umaga.
Sa ulat ni P/Senior Supt. James Melad, police provincial director ng Cagayan kay P/Chief Supt. Jefferson Soriano, police regional director, ang napaslang na si SPO1 Alex Cauilan at ikinasugat ng malubha ni P/Senior Inspector Randolf Alngag ay kapwa nakatalaga sa 3rd Police Mobile Provincial Group at nabigyan ng misyon upang arestuhin ang suspek na si Oscar Attaban at ang kapatid nito na kapwa may kasong double murder at robbery sa Barangay Liwan Norte sa bayan ng Enrile.
Habang papalapit ang pangkat ng 3rd PMPG sa pinagkukutaan ng mga suspek ay biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta si SPO1 Cauilan habang malubha naman si Alngag.
Napag-alamang nagawang makatakas ni Ocar Attaban sa likurang bahagi ng bahay na pinaniniwalaang sugatan din matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya.
Samantala, nadakip naman ang anim na kasamahan ni Attaban na nakilala ang dalawa na sina Renato Pasicolan at Edwin Attaban, habang sumasailalim pa ang apat na suspek na nakumpiskahan ng ilang malalakas na kalibre ng baril. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest