Duwelo: Magkaibigan todas

LEGAZPI CITY — Kapwa nasawi ang magkaibigang senglot na pinaniniwalaang nagkapikunan sa biruan hanggang sa mauwi sa duwelo ng patalim sa Barangay Baligang sa bayan ng Camalig, Albay kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Rudy Nuyte, 42; at Juanito Romero, 56, na kapwa duguang bumulagta. Napag-alamang bago maganap ang duwelo ay magkasamang nag-iinuman ng alak kasama ang ilang kaibigan hanggang sa mauwi sa biruan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkapikunan. Dito na nagbunot ng patalim ang magkaibigan hanggang sa magkapatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments