Empleyado ng banko hinoldap

CAVITE – Natangayan ng P.2 milyon cash ang isang 66-anyos na empleyado ng banko makaraang holdapin ng dalawang lalaki na sakay ng van sa kahabaan ng Tagaytay-Amadeo Road na sakop ng Barangay Kaybagal sa South Tagaytay City, kamakalawa. Hindi naman sinaktan ang biktimang si Prudencio Tapalla, empleyado ng Rural Bank sa Gen. Aguinaldo-Amadeo Branch at residente ng Barangay 9 sa bayan ng Amadeo, Cavite. Ayon sa pulisya, isa sa dalawang holdaper na lulan ng L300 van ay nakilalang si Nicanor Ramos ng Barangay Dagatan. Sa imbestigasyon ni PO2 Apolinar Olimpiada, sakay ng Pajero (RBA-571) ang biktima patungo sa Metro Bank sa Tagaytay City upang mag-remit ng pera nang harangin at holdapin dakong alas-9 ng umaga. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments