^

Probinsiya

2 ang gobernador sa Cavite

-
CAVITE — Magkahalong tensyon at litung-lito ngayon ang mga mamamayan ng Cavite kung sino ba talaga ang kanilang lehitimong gobernador matapos sumiklab ang sigalot sa pagitan nina Governor Irineo "Ayong" Maliksi at bise gobernador nitong si Juanito Victor Remulla nitong nakaraang mga araw.

Kamakailan lang ay nagpalabas ng desisyon ang Office of the Ombudsman for Luzon upang suspendihin ng anim na buwan si Cavite Governor Maliksi dahil sa akusasyong may kaugnayan sa maanomalyang transaksyon sa pagbili ng 7,500 sakong bigas na P7.5-milyon noong Oktubre 2004.

Sinampahan ng kasong grave abuse of authority si Maliksi dahil na rin sa reklamong inihain ni Remulla sa opisina ni Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez.

Sa kabila ng direktiba ng Ombudsman, tumangging bumaba sa puwesto si Gobernador Maliksi at nag-kulong sa kanyang opisina sa provincial capitol sa Trece Martires City sa tulong na rin ng kanyang mga supporters na nagbarikada sa harapan ng gusali nito.

Pinagdiinan ni Maliksi na hindi siya bababa sa puwesto hangga’t hindi pinapakinggan ng Ombudsman ang inihain niyang apila at rekonsiderasyon kaugnay sa kinakaharap na kaso.

Inakusahan ni Maliksi na may kinalaman ang Malacañang sa mabilis na desisyon ng Ombudsman laban sa kanya at hindi na siya nabigyan ng due process upang ipagtanggol ang sarili.

Kaugnay nito, hindi pa man naipapatupad ang anim na buwang suspension kay Maliksi ay sinundan na naman ni Remulla na pagsasampa ng kasong graft and falsification of documents laban sa gobernador, kaugnay sa pagbili ng gamot na nagkakahalaga ng P2.5-milyon noong Pebrero 2003.

Lalo pang gumulo ang operasyon ng kapitolyo ng Cavite ng manumpa sa harap ni Judge Gonzalo Mapili ng Trece Martirez kamakalawa ng hapon si Vice Governor Junvic Remulla bilang acting governor ng Cavite.

Ayon kay Remulla, bilang paggalang kay Governor Maliksi hindi na nito paaalisin sa opisina ang gobernador, pero gagawin niya ang tungkulin bilang acting governor ng probinsya.

At bilang acting governor, ang unang direktiba ni Remulla ay magbigay ng seguridad sa paligid ng kapitolyo na kung saan nagkampo si Maliksi.

CAVITE

CAVITE GOVERNOR MALIKSI

DEPUTY OMBUDSMAN

GOBERNADOR MALIKSI

GOVERNOR

GOVERNOR IRINEO

GOVERNOR MALIKSI

JUANITO VICTOR REMULLA

MALIKSI

REMULLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with