3 nadakma sa buy-bust

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot ang nadakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operations sa bayan ng Biñan at Sta Cruz, Laguna, kamakalawa.

Sa ulat, sina Nasroden "Nas" Anas at Greg "June" Codilla ay nasakote matapos na bentahan ng droga ang isang pulis na poseur-buyer sa bahagi ng South Plain I Subdivision sa Barangay Sto. Tomas, Biñan. Samantala, ang suspek na si Amrollah Edris Hadji ay dinakip ng mga operatiba ng PDEA matapos magbenta ng shabu sa bahagi ng Barangay Sto. Angel Sur sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments