Talunang konsehal itinumba
August 15, 2005 | 12:00am
Nueva Ecija Isang natalong kandidato para konsehal noong nakaraang 2004 eleksyon ang nasawi matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa isang Public Cemetery, Barangay Poblacion sa bayan ng Talavera, noong Sabado ng umaga.
Kinilala ni Chief Inspector Cresencio de Asis, hepe ng Nueva Ecija Crime Laboratory ang biktima na si Florencio Gloria, alyas Balat, 49, may-asawa at residente ng Barangay La Torre, dito.
Ayon kay de Asis, si Gloria na natalong councilor aspirant at may mataas na katungkulang at miyembro ng Mason (dating District Grand Lecturer sa Talavera), ay nagtamo ng 8 tama ng bala ng M-16 at kalibre .45 baril sa katawan na siya nitong ikinamatay.
Base sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng Toyota Hi-Lander galing sa pakikipaglibing sa namatay nitong tiyahin noong Sabado dakong alas-11:30 ng umaga, nang harangin ng isang kotse na nasa kanilang unahan saka pinagbabaril ng sunud-sunod.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang kasong ito upang madakip ang mga nagsitakas na suspek. (Christian Ryan Sta. Ana )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest