Pulis dinedo sa canvassing area
August 11, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang tauhan ng pulisya ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng di pa nakikilalang mga armadong kalalakihan habang ang biktima ay nangangasiwa sa seguridad ng bilangan sa canvassing area kaugnay sa ginanap na halalan sa bayan ng Tuburan, Basilan na nasasakupan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Napuruhan sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si SPO3 Efren Dulot ng Intelligence Group ng PNP matapos na upakan ng mga armadong grupo.
Ang biktima ay kabilang sa mga tauhan ng pulisya na ipinakalat para mangasiwa sa seguridad sa pagdaraos ng eleksyon sa ARMM umpisa noong Lunes.
Batay sa ulat, naganap ang insidente sa pinagdarausan ng bilangan sa Barangay Lower Sinagkapan sa bayan ng Tuburan dakong alas-3:30 ng hapon.
Napag-alamang nagbabantay ang biktima sa binisidad ng nasabing canvassing area nang lapitan ng ilang armadong grupo at isagawa ang pamamaslang.
Bago tuluyang tumakas ng mga killer ay tinangay pa ng mga suspek ang baril, relo, cellular phone, wallet at motorsiklo ng biktima na ginagamit sa pagpapatrulya.
Nabigo namang mahabol ng mga kasamahang pulis ng biktima ang mga suspek dahil sa bilis ng pangyayari. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga tauhan ng pulisya sa pakikipagtulungan ng tropa ng militar para madakip ang responsable sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest