2 nanloob sa banko, nadakma

PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Dalawa sa tatlong kalalakihan na nanloob sa Rural Bank of Palayan City na sakop, ng Barangay Caballero ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya na nagtatago sa kisame ng nabanggit na banko kamakalawa.

Kasong robbery ang kakaharapin ng mga suspek na sina Michael Francisco, 18 at pinsang Noel Francisco, 27, na kapwa residente ng Barangay Atate, habang tinutugis naman ang isa pang suspek na si Rene Joy de Guzman ng Bongabon, Nueva Ecija. Ayon kay P/Chief insp. Efetacio Domingo, winasak ng mga suspek ang kinalalagyan ng aircon unit ng nasabing banko bago pumasok hanggang sa rumesponde ang pulisya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments