P 250-M buwis ibinayad sa Nueva Vizcaya
July 31, 2005 | 12:00am
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya Hindi maisalarawan ang tuwa ng mga lokal na opisyal sa lalawigang ito makaraang magbayad ng P250 milyon real property tax ang California Energy (CalEnergy), bilang obligasyon, kasabay ng SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay Nueva Vizcaya Governor Luisa Lloren Cuaresma, nagbunga din ang matagal ng ipinaglalaban ng lalawigang ito na makolekta ang buwis mula sa US-based Casecnan Energy Casecnan Water and Energy Company Inc., matapos malaman ng mga opisyales ng nasabing kompanya na hindi nagbibiro ang provincial government na ipagpatuloy ang plano na buksan ang CMIPP para sa public auction.
"Dapat lang na bayaran nila ang obligasyon sa ating lalawigan, dahil kung wala ang Nueva Vizcaya saan sila kukuha ng 805 million cubic meters na tubig para sa CMIPP na nagbibigay kuryente at patubig ngayon sa mahigit 37,000 ektaryang bukirin sa Nueva Ecija at 102,000 ektaryang National Irrigation Authority service area sa Upper Pampanga Integrated Irrigation System," pahayag pa ni Cuaresma.
Ayon naman kay Desiderio Perez, provincial legal counsel, ang isa pang dahilan kung bakit napilitan ang mga opisyales ng CalEnergy na bayaran ang real property taxes ay matapos na tumanggi ang Regional Trial Court (RTC) sa kahilingan ng mga ito na mag- issue ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang provincial government sa planong ilagay sa public auction ang mga pangunahing kagamitan ng CMIPP.
Tiniyak naman ni Gov. Cuaresma na ang nasabing halaga ay magagamit sa ibat ibang programa, proyekto at pangangailangan ng lalawigan lalo na ang mga mahihirap para mai-angat ang antas ng ekonomiya sa lalawigang ito. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am