Trader dinedo ng 2 holdaper

ANTIPOLO CITY, Rizal – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 51-anyos na trader ng dalawang hindi kilalang lalaki makaraang pumalag ang biktima habang hinoholdap sa bahagi ng Barangay San Isidro ng bayang ito kamakalawa. Bulagtang iniwan ang biktimang si Cosme Del Mundo ng Barangay Darangan, Binangonan, Rizal, samantala, hindi naman sinaktan ang kausap nitong babae.

Agad na tumakas ang mga holdaper matapos na kunin ang hindi nabatid na malaking halaga, alahas at cellular phone ng biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments