Rapist nagbigti sa kulungan

DIADI, Nueva Vizcaya Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang kakaharaping kasong rape ng isang 37-anyos na lalaki kaya nagdesisyong magbigti sa loob ng kulungan noong Huwebes ng umaga sa Brgy. Rosario sa bayang ito. Kinilala ni P/Senior Insp. Joseph Dela Cruz, ang nagpatiwakal na bilanggo gamit ang sariling damit na si Rogelio Perol.

Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad si Perol sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gil Valdez sa kasong rape at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natagpuan ng mga tauhan ng pulisya na nakabitin sa kulungan dakong alas-singko ng umaga. (Victor Martin)

Show comments