2 kawatan ng motorsiklo nadakma

CAVITE — Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang kawatan ng motorsiklo ang dinakma ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhang pinatutubos sa may-ari ang kanilang ninakaw na sasakyan sa bahagi ng Barangay Bayang Luma 4 sa Imus, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Romulo "Molong" Legaspi, 45, ng Brgy. Alapan 1-B at Gaudencio Marciano, 47, ng Brgy. Bayan Luma, Imus, Cavite.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ni Joselito Saracho sa pulisya sa ninakaw na pag-aaring motorsiklo (WJ-3393) at pinatutubos sa kanya sa halagang P10,000. Naaktuhan ang mga suspek sa ginawang krimen matapos isinagawa ang operasyon. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments