Mag-asawa kinatay sa bahay
July 20, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City May posibilidad na paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapaslang ang mag-asawa ng kanilang kapitbahay na lalaki habang ang mga biktima ay natutulog sa sariling bahay sa Barangay Biyong sa bayan ng Tiwi, Albay kamakalawa.
Naisugod pa sa ospital, subalit idineklarang patay ang mag-asawang sina Jimmy Covilla, isang security guard at Beatriz Covilla na kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Samantala, naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Cezar Cernechez, 34, may asawa, isang laborer at kapitbahay ng mag-asawang Covilla.
Bandang alas-12 ng hatinggabi nang pasukin ng suspek ang bahay ng mag-asawang natutulog saka isinagawa ang krimen.
Nagulantang ang mga kapitbahay ng mag-asawa nang makarinig ng matinding sigawan na animoy humihingi ng saklolo kaya agad silang rumesponde at nadakip ang suspek na may hawak pa na patalim.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nagtanim ng galit ang suspek kay Jimmy matapos na makasagap ng balita na may relasyon sa kanyang asawa hanggang sa maganap ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest