Habambuhay sa killer police
July 18, 2005 | 12:00am
Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang ipinataw na parusang habambuhay na pagkakabilanggo laban sa isang pulis na nakatalaga sa Baguio City matapos mapatunayang guilty sa pagpaslang sa kasamahang parak sa pagdaraos ng Panagbenga "Flower Festival noong 2001.
Batay sa desisyon ng Appellate Court ng 2nd Division, hindi nagkamali ang Baguio City Regional Trial Court (RTC) nang patawan ng life imprisonment o 28 hanggang 38 taong pagkakabilanggo ang akusadong si SPO4 Jaime Ayochok.
Bukod sa kulong, inatasan pa si Ayochok ng CA na magbayad ng P2. 5 M sa mga naulilang pamilya ng biktimang si SPO1 Claudio Caligtan.
Sa rekord ng korte, noong Pebrero 7, 2001 katatapos lamang ng parada na kilala bilang Panagbenga sa Baguio City ng magkayayaang mag-inuman ang grupo ni Caligtan at ng suspek kung saan sa gitna ng kasayahan ay binaril at napatay ng akusado ang biktima. (Grace Amargo dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest