Sinabi ni Sr. Supt. Danilo Empedrad, PNP Director ng Abra, ang biktimang pulis ay galing sa Kalinga ngunit pansamantalang di muna ibinunyag ang pangalan nito.
Ayon kay Empedrad, agad niyang ipinadala sa isang hospital ang naturang pulis na may ranggong PO2 na nagtamo ng malubhang sugat sa tiyan.
Nabatid na ang naturang pulis ay nadestino dito matapos na mapatalsik lahat ang kabuuang 529 puwersa ng Abra Provincial Police Office (PPO) sanhi ng akusasyong nagpapagamit ang mga ito bilang mga Private Armed Groups (PAGS) o goons ng mga pulitiko.
Samantalang pansamantala namang ipinalit sa nasabing mga pulis ay ang mga dating nakadestino sa ibat-ibang lalawigan ng Cordillera Region at Baguio City para mangalaga sa kaayusan at katahimikan sa Abra.
Ayon naman kay Empedrad, naging epektibo naman ang mga pulis na ito dahilan sa kanilang sunud-sunod na operasyon laban sa mga pulitikong nagmamantine ng mga goons bagaman marami ang na-homesick. (Myds Supnad )