Kasalukuyang ginagamot sa Bataan General Hospital ang magkapatid na itinago sa pangalang Ana, 12; at Jose, 7, kapwa anak ni Evelyn sa unang asawa.
Samantala, isinadlak sa rehas na bakal ang suspek na si Henry Escartin, 41, traysikel drayber at live-in partner ng ina ng dalawang biktima.
Sa imbestigasyon ni SPO3 Rommel Morales, dakong alas-siyete ng gabi nang gulpihin at pakainin ng isang baretang sabong panlaba ang mag-utol matapos na mamataan ng suspek ang mga biktima na naglalaro sa kanilang bahay.
Nang dumating sa bahay si Evelyn ay hindi makapagsalita ang kanyang dalawang anak na nag-iiyak sa isang sulok na animoy hindi makahinga, kaya agad na isinugod sa nabanggit na ospital sa tulong na rin ng kanyang mga kapitbahay. (Ulat ni Jonie Capalaran)