^

Probinsiya

Mag-utol pinakain ng sabon, grabe

-
BALANGA CITY, Bataan — Dalawang menor-de-edad ang iniulat na nasa malubhang kalagayan makaraang gulpihin at pakainin ng sabon ng kanilang amain sa Barangay Tuyo Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Bataan General Hospital ang magkapatid na itinago sa pangalang Ana, 12; at Jose, 7, kapwa anak ni Evelyn sa unang asawa.

Samantala, isinadlak sa rehas na bakal ang suspek na si Henry Escartin, 41, traysikel drayber at live-in partner ng ina ng dalawang biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rommel Morales, dakong alas-siyete ng gabi nang gulpihin at pakainin ng isang baretang sabong panlaba ang mag-utol matapos na mamataan ng suspek ang mga biktima na naglalaro sa kanilang bahay.

Nang dumating sa bahay si Evelyn ay hindi makapagsalita ang kanyang dalawang anak na nag-iiyak sa isang sulok na animo’y hindi makahinga, kaya agad na isinugod sa nabanggit na ospital sa tulong na rin ng kanyang mga kapitbahay. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

BARANGAY TUYO BALANGA CITY

BATAAN GENERAL HOSPITAL

DALAWANG

EVELYN

HENRY ESCARTIN

JONIE CAPALARAN

KASALUKUYANG

NANG

ROMMEL MORALES

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with