Mag-asawa pinatay sa harap ng 2 anak
July 8, 2005 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Nasaksihan ng dalawang anak ang pagpatay sa sariling magulang makaraang ratratin ng bala ng baril ng tatlong hindi kilalang lalaki ang mag-asawang negosyante sa sariling bahay sa Barangay Alapang sa bayan ng La Trinidad, Benguet noong Lunes ng gabi, Hulyo 4.
Kinilala ni P/Chief Inspector Jesse Perez, ang mag-asawang Coslito Sabado, 54 at Pastora Sabado, 40, kapwa nagnenegosyo ng 5-6 sa Baguio City at La Trinidad.
Walang iniulat na pinagnakawan ang mag-asawang negosyante at posibleng kakilala ang mga killer. Lumilitaw sa imbestigasyon, kasama ng ginang ang dalawang anak na 9-anyos na lalaki at 6-anyos na babae sa unang palapag ng kanilang bahay, samantalang ang asawa nito ay nanonood ng telebisyon sa ikalawang palapag.
Napag-alamang papunta sa palikuran ang babae at pagbukas ng main door ay sinalubong siya ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki at pinaputukan ng baril ng sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta. Umakyat sa ikalawang palapag ang isang suspek bago kinaladkad pababa ang lalaki at pinagbabaril din.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek at iniwang ligtas ang dalawang bata. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest