^

Probinsiya

Ambush: 2 kawal, 1 sibilyan tumba

-
TACLOBAN CITY — Dalawang kawal ng Army’s 83rd Recon Company at isang sibilyang babae ang kumpirmadong nasawi habang lima pa ang malubhang nasugatan sa naganap na ambush ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Barangay Balante sa bayan ng Basey, Samar kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay nakilalang sina Cpl. Harry Cabonce; Pfc. Freddie Dapuya at sibilyang si Nimfa Tagana.

Nasa kritikal na kondisyon ang mga biktimang sina Pfc Conrado Agapian; Pfc Joel Nungay; Pfc Reynaldo Mores at dalawang sibilyang asawa ng sundalo na sugatan din at ginagamot sa 8th Infantry Division Camp sa Barangay Maulong sa bayan ng Catbalogan, Samar.

Ayon kay Col. Reynaldo Lanuzo, commanding officer ng 62nd Infantry Battalion, ang mga sugatang sibilyan ay nakiangkas lamang sa sasakyan ng militar patungong Tacloban City para kumuha ng pagkain nang tambangan ng mga rebelde. (Ulat nina Miriam Desacada at Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY BALANTE

BARANGAY MAULONG

FREDDIE DAPUYA

HARRY CABONCE

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION CAMP

JOY CANTOS

MIRIAM DESACADA

NEW PEOPLE

NIMFA TAGANA

PFC CONRADO AGAPIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with