Shootout: 4 holdaper bulagta
June 29, 2005 | 12:00am
CAUAYAN CITY, Isabela Bumulagta ang apat sa limang armadong kalalakihan na nakipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya makaraang holdapin ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Marabulig sa lungsod na ito noong Linggo ng gabi (Hunyo 26).
Batay sa ulat na ipinarating ni P/Senior Supt. Fercival Barba, police provincial director ng Isabela kay P/Chief Supt. Jefferson Soriano, regional director ng Cagayan Valley, nakatanggap ang kanyang mga tauhan ng text message mula sa terminal ng Dagupan bus na nakabase sa Tuguegarao City kaugnay sa limang armadong pasahero na may kahina-hinalang kilos.
Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 nang magdeklara ng holdap ang limang armadong kalalakihan habang bumabagtas ang bus na may plakang DZF-622 patungong Maynila mula sa Tuguegarao City.
Sa pahayag ng driver na si Orlando Gomez, isa sa mga holdaper ang pilit na nakikipag-agawan sa manibela ng sasakyan habang ang isa ay tatlong beses siyang pinaputukan kung kayat inihulog na lamang niya sa kanal ang nasabing sasakyan kung saan agad na naipit at namatay ang isa sa mga suspek.
Agad naman na sinundan ng mga kagawad ng pulisya sa pangunguna ni P/Supt. Antonio Taylan, Hepe ng Cauayan PNP ang nasabing bus habang nagsitakas ang apat pang holdaper.
Di pa man nakakalayo ang mga suspek na holdaper ay mabilis namang naabutan ng mga elemento ng pulisya, subalit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan hanggang sa bumulagta ang mga suspek na pansamantalang bineberipika ang pagkikilanlan. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest