^

Probinsiya

Nursing stude tinodas sa Mt. Samat

-
PILAR, Bataan — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 21-anyos na nursing student ng tatlong hindi kilalang lalaki makaraang holdpin sa bahagi ng makasaysayang Mt. Samat sa Barangay Diwa, Pilar, Bataan noong Miyerkules ng madaling-araw.

Bandang alas-2:45 ng umaga nang natagpuan ni Corsuel Cabrera sa madamong bahagi ang bangkay ni Jayson Legaspi, 1st year nursing student sa Asia Pacific College of Advanced Studies at nanirahan sa Melluz Subdivision, Barangay Balagtas sa bayan ng Orion, Bataan.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Jaime Punio, ang biktima ay nagtamo ng tatlumpu’t dalawang saksak ng icepick sa katawan at ang mukha ay binagsakan pa ng adobe ng isa sa tatlong killer.

May teorya ang pulisya na biktima ng robbery-holdup si Legaspi dahil nawawala ang pag-aaring cellular phone at pitaka na naglalaman ng hindi nabatid na halaga.

Isinasaisantabi ang anggulong love triangle at personal na paghihiganti laban sa nursing student. (Ulat ni Jonie Capalaran)

ASIA PACIFIC COLLEGE OF ADVANCED STUDIES

BANDANG

BARANGAY BALAGTAS

BARANGAY DIWA

CORSUEL CABRERA

JAIME PUNIO

JAYSON LEGASPI

JONIE CAPALARAN

MELLUZ SUBDIVISION

MT. SAMAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with