Coed ni-rape/slay
June 22, 2005 | 12:00am
CAVITE Muli na namang nanaig ang kampon ng kadiliman laban sa isang 19-anyos na estudyante na pinaniniwalaang hinalay muna bago tuluyang pinatay ng mga hindi kilalang lalaking lango sa ipinagbabawal na gamot bago itinapon sa bahagi ng Barangay Pasong Buwaya 1 sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.
Sa pamamagitan ng mga gamit sa eskuwela ay nakilala ang biktimang si Ruffa Jonah Nonte, 3rd year HRM student ng Perpetual Help Las Piñas at residente ng Block 80 Lot 29, Mabuhay Homes, Phase V, Dasmariñas, Cavite.
Ayon sa mga imbestigador na pulis, na posibleng mga traysikel drayber ang suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Calvin Santos, bandang alas-3 ng hapon nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na nasa gitnang bahagi ng sakahang sakop ng nabanggit na barangay.
Bagamat may damit ang biktima, pinaniniwalaan ng pulisya na hinalay muna si Nonte dahil sa wasak ang panty nito at nakataas ang damit.
Bago madiskubre ang krimen ay napaulat na nawawala ang dalaga noong Huwebes, June 16 na hindi na nakauwi mula sa eskuwelahan.
May teorya ang pulisya na may dinalaw na kaklase ang biktima sa nabanggit na barangay at ang sinakyang traysikel na lulan ang mga suspek ang gumawa ng krimen. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest