Patuloy na inoobserbahan sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktima na nakilalang si Brgy. Chairman Narciso Peti, 48-anyos, may asawa at residente ng Sitio Ulong, Brgy. Sapang ng bayang ito.
Habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Wilfredo Alvarez, nasa hustong gulang, service helper ng Saulog Liner at residente sa lugar na nakuha namang mabaril sa hita ng biktima.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Eduardo Gavino, may hawak ng kaso, ganap na alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente matapos sitahin ng biktima si Alvarez sa mga nakakalat na scrap metal subalit sunud-sunod na putok mula sa cal. 38 revolver ang isinagot ng suspek.
Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng cal. 38 revolver at isang basyo ng cal. 45 pistol. (Cristina G. Timbang)