3 guro hinoldap

CAMP SIMEON OLA. Legazpi City – Tatlong guro ng Tomagodtod Elementary School ang hinoldap ng dalawang armadong kalalakihan habang ang mga biktima ay naglalakad sa bahagi ng Barangay Tomagodtod sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Kabilang sa natangayan ng salapi ay nakilalang sina Vilma Barrameda, 31; Ludivina Briones; at Myrna Soriano. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-kuwatro ng hapon habang magkakasamang naglalakad papauwi mula sa pagtuturo sa nasabing eskuwelahan. Hindi nakapalag ang tatlong biktima matapos na tutukan sila ng baril. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments