1 dedo, 8 tiklo sa nakaw na bakal
June 17, 2005 | 12:00am
BATANGAS Isa ang namatay, samantalang walong sibilyan kabilang ang tatlong menor-de-edad ang nadakma ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga steel craft sa loob ng Mariwasa Compound sa Barangay San Antonio sa bayan ng Sto Tomas, Batangas, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Inspector Raul Tacaca, ang napatay na si Pepito Orelio, 48, makaraang barilin ito ng mga pulis nang akmang mananaga ng itak.
Arestado naman ang iba pang suspek na sina: Mark Allan; Merly Clabano, 40; Jose Lastimosa, 29; Salvador Miano 31; Ramon Dimayuga, 40; John Carlo Namol; Alberto Ortilyo at Melchor Buenaobra.
Nagawa namang makatakas ng dalawa pang suspek na sina Nestor at Ricardo Dimayuga na pawang mga residente ng Tanauan City.
Sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang maaktuhan nang nagpapatrulyang mga tauhan ng pulisya at mga security guard ng naturang compound ang mga suspek na nagnanakaw ng mga bakal. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest