Korean exec na dinukot, tinodas
June 15, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlong araw matapos na mapaulat na dinukot ang isang Korean business executive sa bahagi ng Trece Martirez City ay natagpuan ng pulisya ang bangkay ng biktima sa plantasyon ng pinya na sakop ng Barangay Kaytitinga sa bayan ng Alfonso, Cavite.
Ayon kay P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director, positibong kinilala ni Kwan Nowan, ang bangkay ng kanyang utol na si Gwak Nyok Hak, 53, isang contractor sa Economic Processing Zone Authority(EPZA) at opisyal ng Korean Association.
Base sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima sa Barangay Daang Amaya sa bayan ng Tanza, Cavite na kasama ang live-in partner nitong si Shirley Toribio at ang kanyang ina, sakay ng berdeng Honda City na may plakang WLE-855.
Ayon kay Toribio, ibinaba siya ng biktima sa STI Computer School sa bayan ng Rosario, Cavite samantalang bumaba naman ang kanyang ina sa Noveleta, Cavite bago ito tumuloy sa Trece Martirez City, kung saan sila magkikita ng kausap nito sa cell phone na isa ring Koreano.
Hanggang sa matagpuan ang sasakyan ng biktima na abandonado at basag ang likurang bahagi ng salamin sa Barangay Cabuco, Trece Martirez City noong madaling-araw ng Sabado,
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima at ang motibo ng krimen. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended