Lalaki nanlaban sa holdaper dinedo
June 13, 2005 | 12:00am
Antipolo City Patay ang isang 36 anyos na obrero makaraang manlaban nang barilin ng isa sa anim na lalaking nangholdap sa kanya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cupang ng lungsod na ito.
Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng isang tama ng bala ng cal. 45 caliber pistol ang biktimang si Chito Tindon, residente ng Perez St.; Project 4, Quezon City; samantalang mabilis namang nagsitakas ang mga suspek matapos na makuha ang mahahalagang gamit ni Tindon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Adella St., Brgy. Cupang ng lungsod na ito nang sabayan ng mga suspek at holdapin.
Subalit imbes na ibigay ng biktima ang kanyang pera ay nanlaban ito na kanyang ikinasawi. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest