NPA commander todas sa shootout
June 7, 2005 | 12:00am
Napaslang sa shootout ang isang notoryus na lider ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos manlaban sa mga operatiba ng pulisya at militar ng maaktuhang nangingikil ng revolutionary tax sa mga negosyante ng Brgy. Cagbalogo, Vinsons, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Willy Mancera alyas Ka Francis/ Willy Paraiso na ideneklarang dead-on-arrival sa kanugnog na Camarines Sur Provincial Hospital matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali ng makatanggap ng impormasyon ang mga elemento ng Vinzons Municipal Police Station at Armys 9th Infantry Division (ID) hinggil sa presensiya sa nasabing lugar ni Mancera na puwersahang nangingikil ng revolutionary tax sa mga may-ari ng fishpond sa nasabing lugar.
Nabatid na tinangkang hulihin ng mga awtoridad si Mancera subalit bigla itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang arresting team na nauwi sa shootout.
Sa tala ng pulisya at militar, nabatid na si Mancera ay aktibong nagsasagawa ng operasyon sa mga bayan ng Labo, Vinzons at Talisay ng nabanggit na lalawigan at siyang responsable sa pagsalakay sa Sta. Elena Municipal Police Station at Lopez Municipal Police Station sa Quezon noong nagdaang taon.
Narekober sa lugar ang isang cal. 357 pistol, backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan ng biktima at ang bangkay ng suspek ay inilagak na sa Vinzons Funeral Parlor. (Ulat nina Ed Casulla / Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended