3 patay, 27 sugatan sa salpukan ng bus
June 7, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi habang 27 pa ang nasugatan kabilang ang ilang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa national highway ng Ragay, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jorge Orbita, Lucia Valensona at Alex Bonite.
Kabilang naman sa mga nasugatan na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ay sina Manuel Nierves, driver ng Raymond bus para malapatan ng kaukulang lunas.
Base sa report ng Camarines Sur Provincial Police Office (PPO), naitala ang sakuna sa kahabaan ng national highway ng Sitio Sampaloc, Brgy. Banga, Ragay ng lalawigang ito dakong alas-4:45 ng madaling-araw.
Nabatid na kasalukuyang bumabagtas sa nasabing lugar ang Raymond bus na may plakang EVH-106 na minamaneho ni Nierves nang bumangga ito sa kasalubong na Silver Star bus na may plaka namang DVW-568 na minamaneho naman ng nasawing si Orbita.
Ayon sa pulisya ang Raymond bus ay galing Maynila patungong Catarao, Camarines Sur habang ang Silver Star bus ay nagmula sa Samar na papunta naman sa Maynila.
Lumilitaw naman sa pangunang imbestigasyon na kapwa inaantok na ang mga driver ng dalawang bus na nagbunsod sa malagim na sakuna. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest