^

Probinsiya

Mag-utol ibinaon sa imburnal

-
CAVITE – Tinaniman ng bala sa katawan at ibinaon sa imburnal ang mag-utol na lalaki ng mga hindi kilalang lalaki makaraang mapagkamalang magnanakaw sa bakanteng subdibisyon sa pagitan ng Barangay Timalan at Barangay Balsahan, Naic, Cavite kamakalawa.

Halos hindi na makilala ang pagkatao ng mga biktimang sina Joel, 35 at Jori Araneta, 30, ng Sitio Lontoc ng nabanggit na barangay.

Base sa impormasyong nakalap ni PO2 Dario Carangalan, huling namataan ang mag-utol sa bakanteng subdibisyon ng Coastal City na nangunguha ng gulay at suso sa bahagi ng ilog at napaulat na nawawala, noong Mayo 29, 2005. Bandang alas-onse ng umaga nang madiskubre sa imburnal ng ilang residente ang bangkay ng mag-utol na walang saplot sa katawan maliban sa kapwa tadtad ng tama ng bala sa katawan. May teorya ang mga imbestigador ng pulisya na inakalang nagnanakaw ang mga biktima sa nasabing lugar kaya pinatahimik.

Sinisilip naman ng mga tauhan ng pulisya ang partisipasyon sa krimen ng ilang security guard sa nasabing subdibisyon. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY BALSAHAN

BARANGAY TIMALAN

CAVITE

COASTAL CITY

DARIO CARANGALAN

JORI ARANETA

LOLIT YAMSUAN

NAIC

SITIO LONTOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with