2 timbog sa mga armas at bala

QUEZON, Nueva Ecija — Dalawang sibilyan ang iniulat na dinakma ng mga tauhan ng 307th PNP Provincial Mobile Group makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng baril at bala sa kanilang bahay sa Barangay Alejandro sa bayang ito kamakalawa. Sa bisa ng search warrant ni Judge Napoleon Sta. Romana ng Guimba Regional Trial Court Branch 31, dinakip ang mga suspek na sina: Renato "Abba" Ramos, 42 at Benedicto "Benny" Trese, 37, kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Supt. Marlon D. Bingcang, posibleng ibinebenta ng dalawa sa mga kriminal ang mga nakumpiskang baril at bala. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments