Nag-amok na mister natodas

CAVITE – Isang 28-anyos na mister ang iniulat na namatay makaraang mabaril at masagasaan ng van habang nag-aamok sa Barangay San Miguel 2, Silang, Cavite kamakalawa. Halos malasog ang katawan ni Joel Deuna dahil sa pagkakasalpok ng Hyundai van (WLM-817) na minamaneho ni Ramiro Lising.

Ayon sa ulat, ang biktima ay namataan ni P/Chief Insp. Conrado Gongon na nag-aamok kaya pinapayapa nito, subalit lalong nagwala kaya napilitang barilin sa hita. Nagtatakbo ang biktima hanggang sa masalpok ng van. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments