^

Probinsiya

Dinukot na negosyante natagpuang patay

-
Angono, Rizal – isang negosyante na dinukot ng anim na armadong kalalakihan may 26 araw na ang nakakalipas ang natagpuang patay sa isang mabanging bahagi ng Sitio Bisakol, Brgy. San Isidro ng bayang ito kamakalawa.

Ayon kay Rizal Provincial Director Leocadio Santiago Jr., natagpuan ng dalawang kalalakihang nangunguha ng kawayan ang naagnas na bangkay ng biktimang si Arturo Picones sa Sitio Bisakol, Brgy. San Isidro ng bayang ito dakong alas-10 ng umaga.

Nabatid na nakagapos ng posas ang dalawang kamay at nakatali pa ng alambre ang katawan at bakas na pinahirapan muna bago pinaslang ang nasabing biktima.

Sa imbestigasyon, nabatid na dinukot si Picones ng anim na armadong kalalakihan noong Mayo 3 ng gabi habang nakatayo ito sa harapan ng kaniyang pag-aaring Dinosaur Videoke bar na matatagpuan sa kahabaan ng Manila East Road , Binangonan, Rizal.

Magugunita na humingi ng P5-M ransom ang mga kidnappers na naibaba sa P 450,000 na naibigay ng pamilya subali’t pinatay pa rin ang biktima. Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga awtoridad sa kasong ito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGONO

ARTURO PICONES

BRGY

DINOSAUR VIDEOKE

EDWIN BALASA

MANILA EAST ROAD

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL DIRECTOR LEOCADIO SANTIAGO JR.

SAN ISIDRO

SITIO BISAKOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with