Magkakapatid na informer dinukot ng NPA rebels

Camp Simeon Ola, Albay – Tatlong itinuturong informer ng pulisya na pawang magkakapatid ang dinukot ng anim na armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng New People’s Army ( NPA) sa naganap na karahasan sa Donsol, Sorsogon. Kinilala ang mga biktima na sina Roberto Morondo, Rolando at Rodito; pawang residente ng Purok 3, Brgy. Gura, Donsol ng lalawigang ito.

Base sa report naganap ang pagdukot sa mga biktima sa nasabing lugar dakong ala -1 ng madaling-araw matapos ang mga itong tutukan ng baril at puwersahang kaladkarin ng mga rebelde sa direksyon ng Brgy. Gura ng nasabing munisipalidad. Naglunsad na ang mga awtoridad ng search and rescue operations sa mga biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments