P.2-M kargamento hinaydyak

CAVITE — Aabot sa P.2 milyong kargamento ang hinaydyak ng mga hindi kilalang lalaki habang nakaparada ang trak at nagpapahinga ang drayber at pahinante nito sa kahabaan ng Barangay San Francisco, General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw. Walang nagawa ang mga iginapos na biktimang sina Ramil at Diosdado Balondo ng Barangay Sahud, Tanza, Cavite.

Ayon kay SPO3 Roberto Briones, bandang alas-2 ng madaling-araw nang lapitan ng mga suspek ang dalawa na nagpapahinga sa loob ng trak. May posibilidad na minatyagan ng mga haydyaker ang nasabing trak bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments