Mag-ama tiklo sa buy-bust

LUCENA CITY — Nadakma ng mga tauhan ng pulisya ang mag-amang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa bahagi ng Lagos Street sa Barangay 8, Lucena City kahapon ng umaga. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Ernesto, 54 at Dennis Delfin, 24, matapos na makumpiskahan ng shabu at P200 mark money na ginamit ni PO3 Noel Diocos at iba pang kagawad ng pulisya. Ayon kay P/Supt. Conrado Capa, ang mag-ama ay ika-8 sa talaan ng City Anti-Drug Council (CADAC). (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments