Pulis, 6 pa timbog sa nakaw na riles ng tren
May 26, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Bagsak sa kalaboso ang isang tiwaling pulis na itinurong lider ng notoryus na Riles Gang at anim pa nitong kasamahan makaraang maaktuhang nagnanakaw ng mga riles ng tren sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa EB Magalona, Negros Occidental.
Base sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Chief Supt. Doroteo Reyes II, kinilala ang nasakoteng pulis na si PO1 Nilo Cobrador Parreño, 35, ng Hope Village, Brgy. 2, EB Magalona at Desk Officer ng EB Magalona Police Station.
Ang iba pang mga suspek ay nakilala namang sina Herman Sorolla, 31; Andy Alolor, 35; Zandro de Asis Bacalocos, 18; Raffy Tapada, 25; Jade Botavara, 23 at Jerry Ecoy, 40.
Ayon kay Reyes, dakong alas-8:47 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang kanyang mga tauhan matapos na makatanggap ng reklamo mula sa Silay-Sarabla Railways Cooperative sa serye ng nakawan ng riles ng tren sa kanilang lugar.
Ang mga riles na ninanakaw ay dinadala sa JANS Junkshop sa Poblacion ng kanilang bayan na pag-aari mismo ng tiwaling pulis na di alintana ang posibleng panganib sa tren.
Sinabi ni Reyes na ang mga suspek ay nasakote sa aktong pinuputol ang mga bakal sa riles gamit ang acetylene torch.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang acetylene tanks, isang LPG gasul at isang acetylene cutter habang ini-impound naman ang isang Isuzu truck na may plakang GHN 433 na pag-aari ni Joebert Ebojo ng Brgy. 2 EB Magalona na umanoy plano ng mga suspek na pagsakyan sa ninakaw na riles na ibebenta ng mga ito sa iba pang junkshop sa Bacolod City. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest