Tinodas dahil sa selos

BALANGA CITY, Bataan — Pinaniniwalaang matinding selos ang naging ugat kaya napatay sa saksak ang isang 24-anyos na binata makaraang makasagi ng babae sa gilid ng swimming poll sa Forest Garden Resort sa Barangay Camacho Balanga City, kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa Bataan General Hospital ang biktimang si Harold Torrico, 24, ng Barangay Tortugas, Balanga City, samantalang tinutugis naman ang suspek na si Jay-R Manalo ng Barangay Camacho. Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO2 Rommel Morales, hindi sinasadyang mabundol ng biktima ang live-in partner ng suspek kaya pinaslang si Harold. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments