P.7m pekeng gamot nasamsam sa Albay
May 25, 2005 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legapi City Aabot sa P.7 milyong mga pekeng gamot ang nasamsam ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sa operasyon kamakalawa ng hapon sa Barangay San Antonio at Barangay Bantayan, Tabaco City.
Ayon kay P/Supt. Benito Estipona, regional director ng CIDG sa Bicol, ang pagsalakay ay isinagawa dakong alas-5:30 ng hapon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Mamaerto Buban ng RTC Branch 18 Tabaco City.
Naunang sinalakay ang bahay ni Gina Casaul sa Zone 1, Barangay San Antonio at nakumpiska ang mga pekeng gamot na iberet filoc-500, betnovate, stinox, neurobion, nor vasc, ventolin, zantac, amoxicillin capsule, damicron tabs, ponstan tab, ponstan capsule, Sensorcaine, augmentin, biogesic, alaxan, valium at centrum na pawang nakalagay sa kahon na may markang UNILAB.
Nabatid na wala sa bahay ang taong pakay ng mga awtoridad, bagkus ang magulang lamang nito ang naabutan ng mga awtoridad na kinilalang si Belen Casaul.
Ang ikalawang operasyon ay isinagawa sa bahay ng isang kinilalang Adelaida Boncolmo sa Zone 3, Barangay Bantayan kung saan nakumpiska ang pekeng alaxan at mga gamot na pag-aari ng Department of Health.
Nasamsam dito ang 41 kahon ng Oral Contraceptive, 24 kahon ng Dolotral, 7 kahon ng Betnovate ointment, 2 kahon ng Syntocinon Injection bottle at 300 blisters na Pyrazinamide tablet.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad na walang maipakitang mga dokumento na magpapatunay na puwede siyang magbigay o magbenta ng mga naturang gamot na pag-aari ng gobyerno. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest