Lola nakuryente sa Burger Machine

BALANGA CITY, Bataan — Isang 55-anyos na lola ang kumpirmadong nasawi makaraang makuryente habang naghuhugas ito ng kamay sa gripo ng burger machine sa Capitol Road na sakop ng Barangay San Jose, Balanga City, Bataan, kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa Bataan General Hospital ang biktimang si Jenny Sanchez ng MH Del Pilar Street sa Barangy Cupang Proper, Balanga City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Rommel Morales, naitala ang oras ng insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw matapos na kumain si Sanchez ay naghugas ng kamay sa gripo ng naturang burger machine, subalit bigla na lamang itong nangisay.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni Antonio Vitangcol ng Penensula Electric Company (PENELCO) na electric fault wiring ang naging dahilan kaya nakuryente ang matanda. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments