Trader nakapuga sa mga kidnaper
May 17, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nagawang makatakas ng isang mayamang negosyanteng Tsinoy na taga Quezon City mula sa kamay ng mga kidnaper nitong Linggo ng hapon sa Lemery, Batangas.
Kinilala ni Calabarzon Police Director P/Chief Supt. Jesus Versoza ang nakalayang negosyante na si Olivia Ting, 36, ng Roosevelt, Quezon City. Ang biktima ay agad na humingi ng tulong sa pulisya matapos na makatakas.
Sa salaysay ni Ting, dinukot siya ng anim na armadong kalalakihan sa kanyang dental office sa Quezon City noong Sabado.
Ang biktima ay piniringan at iginapos ng kanyang mga kidnaper saka dinala sa isang baybaying bahagi ng Lemery.
Sinabi ng biktima na hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon at nakagawa ng paraang tumakas matapos na makalingat ang dalawa niyang armadong bantay.
Nagawang makahingi ng tulong ng biktima sa sibilyang residente ng lugar na si Elmer Cortiñas ng Brgy. Castro na siyang tumulong para ireport ang insidente sa mga awtoridad.
Gayunman, ayon kay Versoza ay wala ng inabutan ni isa sa mga kidnaper ang kanyang mga tauhan nang lusubin ang hideout ng mga suspek.
Naglunsad ng hot pursuit operations ang mga elemento ng pulisya laban sa grupo. (Ulat nina Joy Cantos, Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest