Misis initak dahil sa selos

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 58-anyos na misis makaraang pagtatagain ng sariling mister dahil paniwalang may nanliligaw sa una sa Sitio Borobanco, Barangay Umabay sa bayan ng Mobo, Masbate kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosa Jaca, samantalang nadakip naman ang suspek na si Anselmo Jaca, 67, magsasaka. Napag-alaman sa ulat ng pulisya, nagtalo ang mag-asawa tungkol sa hindi nakilalang manliligaw ng biktima hanggang sa magalit ang suspek at isagawa ang krimen. (Ed Casulla)

Show comments