Amok: 1 dedo, 2 pa grabe

GUMACA, Quezon — Isang 24-anyos na binata ang iniulat na nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ang mga biktima nang naghuramentadong hindi kilalang lalaki dahil sa pagkatalo ng kanyang sinusuportahang koponan sa basketball, kamakalawa ng gabi sa Barangay Bamban ng bayang ito.

Hindi na umabot sa Diego Hospital ang biktimang si Glen A. Entienza, habang ginagamot naman ang mag-utol na Lamberto, 24 at Abel Cabangon, 22, kapwa residente ng Barangay Biga. Sa ulat ni PO3 Ronald Jimenez, nanonood ng basketball ang tatlong biktima nang maghuramentado ang suspek dahil sa pagkatalo ng kanyang koponan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments