Magsasaka dinedo ng mag-ama

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Posibleng matinding alitan ang naging dahilan kaya napatay sa taga ang isang 68-anyos na magsasaka ng mag-ama sa Barangay Del Rosario sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kahapon ng umaga. Halos maputol ang ulo ng biktimang si Rodrigo Pura, samantalang si Primo Catalina, 69 ay nasugatan at ginagamot sa Mediatrix Hospital sa Iriga City habang ang anak nito na si Sammy Catalina ay mabilis na tumakas.

Sa ulat, namataan ni Sammy na nakikipag-away sa biktima ang kanyang ama na si Primo, kaya sinaklolohan nito hanggang sa maganap ang krimen. (Ed Casulla)

Show comments