Killer bus: 27 patay; 17 sugatan
May 12, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawamput pito katao ang kumpirmadong nasawi habang 17 pa ang grabeng nasugatan matapos sumalpok sa bato at mahulog sa bangin ang isang mini-bus sa bulubunduking bahagi ng Marcos Highway, Tuba Benguet kahapon ng umaga.
Base sa ulat, ang madugong insidente ay naganap dakong alas-10:55 ng umaga sa matarik na bahagi ng Marcos Highway sa Sitio Bontiwey, Poblacion Tuba.
Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang mini-bus ng Byron Transit na may plakang AVB-800 mula Baguio City at patungong Dagupan City, Pangasinan ng maganap ang sakuna.
Nawalan umano ng preno ang sasakyan kayat sumalpok sa batuhang bahagi ng bundok ang nasabing bus.
Ang 26 pasahero ay pawang dead-on-the-spot at lumobo sa 27 ang death toll matapos na makuha ng mga rescuers ang bangkay ng driver ng bus pagkaraan ng ilang oras.
Kinilala ni SPO3 Rufino Cargollo ang walo sa mga nasawi na sina Dindo Dulay; Ricardo Aduan; Cristina Natabio; Macapio Incarnacion; Fernando Bernardo; Balacon Ninalaga; Alfred Baculcol at Florentino Fernandez.
Kasalukuyan namang ginagamot ang 17 sibilyan sa Baguio City Medical Center.
Nang rumesponde ang mga imbestigador ay naiahon at naghambalang sa kalsada ang bangkay ng mga nasawing biktima matapos na magresponde sa lugar ang mga opisyal ng barangay sa tulong ng mga residente rito. (Ulat nina Joy Cantos at Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended