Empleyado, inutas

Isang empleyado ng Quedan and Rural Guarantee Corporation (QUEDANCOR) na nakatalaga sa regional district office sa Dagupan City ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng limang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng dalawang motorsiklo noong nakaraang Huwebes sa Basista, Pangasinan.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Ramon Macaalay, 41, may 17 taon ng driver ng QUEDANCOR. Nakaligtas naman sa ambush ang kasama nitong si George Brian Quinto.

Lumilitaw na pinatay si Macaalay sa Brgy. Dumpay, Basista, Pangasinan habang sakay ng QUEDANCOR service vehicle para kanilang official routine para mga magsasaka.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang makilala at madakip ang mga pumatay kay Macaalay.

Show comments