^

Probinsiya

10, obrero na mawawalan ng trabaho sa SBMA maisasalba

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa 10,000 skilled workers na nanganganib na mawalan ng trabaho ang pinaniniwalaang maisasalba sa pagbubukas ng isang export business sa loob ng Freeport zone.

Ito ang ipinahayag ni Neal Perez, operations manager ng Subic Bay Motors Corporation (SBMC) sa pakikipagpulong kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) administrator Alfredo C. Antonio sa planong pagtatayo ng export remanufacturing plant sa freeport.

Ang naturang expansion program ay iprinisinta ng iba pang opisyales ng SBMC kay Antonio, kasama ang kanilang business partners na sina Komei Toya ng Azumatya Tohin Siesakusho, Ltd. at Yoshinobu Kubo ng Apple International Co. Ltd.

Ayon kay Perez, ang mga negosyanteng Hapones ay napiling maglagak ng pamumuhunan sa Subic Bay Freeport dahil sa kalidad ng produktong Pinoy at ang strategic location na naging international transhipment hub sa Asya.

Kasama sa proyekto ay ang strict monitoring system para maiwasan ang pag-pupuslit ng mga sasakyan at hindi mailabas sa local market.

Ang mga skilled workers na tulad ng auto-mechanic, pintor, latero, aircon technician at iba pa ay napipintong mawalan ng hanapbuhay bunsod sa paghihigpit ng gobyerno upang ipatigil ang pagbebenta ng used motor vehicle sa bansa. "Kung tuluyang ipapatigil ang industriya ng second-hand vehicle sa bansa, ang alternatibong paraan ay ang export business upang maisalba na mawalan ng pagkakakitaan ang mga trabahador," ani Perez. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALFREDO C

APPLE INTERNATIONAL CO

AZUMATYA TOHIN SIESAKUSHO

JEFF TOMBADO

KOMEI TOYA

LTD

NEAL PEREZ

PEREZ

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with